“if you want to be the champ.. you’ve got to beat the champ..”
-dwight howard..
yan yung mdlas na ipakita sa basketball Tv nung pnopromote yung series ng orlando vs boston.. at yan nga ang ginawa nila dwight howard.. tlgang tinalo nila ang boston nung game7.. sa homecourt pa..
naalala ko yung nakaraan kong post.. sabi ko.. mahirap talunin ang boston celtics sa isang game7 situation lalo na sa home court nila..
pero kung napanuod nyu yung laro.. hindi nila bnigyan ng pagkakataon ang defending champios.. mantakin mo.. 101-82? db? gosh.. defending champions.. game 7.. sa homecourt nyo.. sa harap ng mga fans nyo.. sa venus kung san ngasabit ang 17 championship banners ng boston celtics.. grabeng upset ang gnwa ng orlando magic.. ibang team kasi ang boston tlga kapag wala si kevin garnett.. nasa sideline sya.. nka amerkana.. gusto sana maglaro.. sayang..

with the proudly hanging championship banners.
sa west naman ay parang halos ganun dn ang nanyare.. parang hndi game7.. kaso ang pagkakaiba nga lang.. hndi isang upset ang nanyare.. pnatunayan ng lakers ang lakas nila.. hndi nila pnagbgyan ang houston rockets sa homecourt nila.. nakakahiya naman kung tatalunin sila ng isang baldadong team na puro injuries sa sarili nilang teritoryo.. final score.. 89-70.. team effort ang nagpapanalo sa larong ito.. si pao gasol ang nag top score.. oo! hndi si kobe.. 14pts lang sya.. 21 pta si pau sasol.. mganda nga yun eh.. gumising pa ako ng alas tres ng madaling araw mapanuod lang ang larong ito ng live.. waw!

at ayun na nga.. ganun nabuo ang match ups para sa conference finals.. kahapon nilaro yung game1 ng denver vs. lakers sa west.. at talaga namang napaka gandang laro ang napanuod ko.. grabe.. tuwang tuwa akong panuorin yung match up nila carmelo anthony at kobe bryant eh.. napaka pisikal nila sa isa’t isa.. balyahan.. sikuhan.. tulakan.. peo walang pikunan.. nkita kong nag mature na ang laro ni carmelo.. kung dati yun.. malamang sinapak nya na si kobe.. walang composure yun dati eh.. npka classic na match-up.. pagkatapos ng laro.. 39pts si carmelo.. 40 naman si kobe.. final score.. 105-103.. grabe noh? nung umpisa parang tatalunin ng denver ang lakers eh.. tambak talaga.. ayun hinabol.. ang pinaka crucial na play dun yung naagaw ni trevor ariza yung inbound pass ni anthony carter na para sana kay chauncey billups..

kobe and carmelo (nice match up)
kani-kani naman ay nag kakatapos lamang ng game1 ng eastern conference finals ng orlando vs. cleveland.. oo! eto ang napala ng orlando sa pagtalo sa boston nung game7.. bagsak sila sa kamay nila lebron.. hehe.. medyo nagka delay nung umpisa ng laro eh.. pano ba naman.. ganto ang kwento.. nag umpisa ang laro.. unang naka puntos ang cavs.. 4-0 ang score.. sa sumunod na play.. bnigyan ni rafer alston ng isang napaka gandang pasa si dwight ohward sa ilalim na nag resulta sa isang literal na “rim-rattling” na dunk.. yun ang unang puntos ng magic sa larong yun..

eto yung dunk na yun..
dahil sa npka powerful na dunk na yun.. eto ang naging resulta..

bumagsak yung shot clock na nkalagay sa ibabaw ng board.
oo! nasira yung shot clock.. bumigay.. kaya na delay ang laro.. saglit lang naman. pero grabe.. ngayun lang ako nka kita ng ganun.. sobrang lakas..
pinatunayan tlga ni dwight howard ang lakas nya sa larong to.. bukod sa sinira nya yung shot clock.. isa pang paraan kung paano nya pinatunayan yung lakas nya gumawa sya ng 30pts at 13 rebounds..
sa umpisa ng larong to mukhang lalampasuhin na naman nila lebron ang bagi nilang kalaban.. pagkapatapos ng 4th quarter.. 33-19 ang score..
pero sa paglipas ng laro.. unti unting lumabas ang mga kahinaan ng cavs.. at nangyari ang hndi ko gnugustong mangyari..
nagkadikitan ng score.. sabi ko na eh! kapag nagkadikitan ng score.. delikado ang cavaliers.. sanay kasi sila sa madaliang panalo.. yung tambakan.. kya naman nasubukan ang tibay ng composure nila sa larong ito.. binuhos ni lebron lahat ng mkkya nya.. 49pts sya..
pero sanay ang orlando sa crucial situations.. si rashard lewis ang tumira ng game winning three point shot.. final score 107-106..
isa lang ang lamang.. gnyan kadikit ang laban na yan..

rashard lewis.
sa dulo ng laro ay nkitang pagos na pagod ang MVP na si lebron.. pnupulikat.. may sugat sya sa tuhod.. gumasgas ata.. pero sigurado akong babawi sya sa next game.. nasaktan sya eh.. panigurado bitter yun.. haha..
oh sya.. hanggang ditona muna to.. medyo mahaba na..
madami p akong ippost na tungkol sa NBA sa pagpapatuloy ng playoffs..
bye for now my good friend..
~taeL.